^

PSN Showbiz

Zsa Zsa magta-trabaho na uli

- Veronica R. Samio -

Babalik na siguro agad si Zsa Zsa Padilla sa Budoy na kung saan ay matagal siyang na-miss ng mga manonood. Marami nang pagbabago ang naganap kay Budoy ng wala siya. Pero madali itong magagawan ng paraan ng mahusay na creative group ng serye.

Talagang nakaapekto sa istorya ang matagal na pagkawala niya. Wala nga lamang magagawa ang produksiyon dahil kinailangang samahan niya ang kanyang anak na si Zia para dalawin sa Australia ang isa pa nitong kapatid na si Nicole.

Hindi lang naman ang mga manonood ng Budoy ang naka-miss sa kanya kundi maging si Dolphy na up and about na naman daw at kahit hindi pa pinapayagang lumabas ng bahay dahil baka makasagap ng mikrobyo ay puwede nang mag-iikot sa loob at paligid-ligid ng kanilang bahay.

PNP handa na rin sa Bourne…

Sayang dahil hindi na kasama si Matt Damon na pupunta ng Pilipinas para sa shooting ng Bourne Legacy, kundi mas marami pa ang manonood ng paggawa ng ika-4th na Bourne franchise pero siguradong dudu­mugin pa rin ang shooting ng isang major film production na sini­mulan niyang gampanan pero ayaw tapusin dahil sa may hindi sila pinagkasunduan ng producer. Isang bagong aktor ang papalit sa kanya at makakasama naman sina Edward Norton at Rachel Weisz na kilala na ng mga Pinoy. Isang buwang magsyu-shooting sa bansa ang grupo. Ngayon pa lamang ay kino-coordinate na sa Philippine National Police (PNP) ang mga lugar na gagamitin sa shooting tulad ng EDSA, Pasay Taft Rotonda, Binondo, Malabon, at El Nido Palawan.

Rochelle pagkokontrabida ang direksiyon ng career

Walang choice si Rochelle Pangilinan, talagang papunta na ang kanyang career sa pagiging isang kontrabida. Kailangan na lamang ay pag-aralan niya kung paano maging isang mahusay na character actress dahil mas maraming trabaho ang available para sa mga ganitong roles.

Hindi pa man natatapos ang Amaya na kung saan ay kontrabida siya ni Marian Rivera, may bago na naman siyang assignment sa Broken Vow bilang kontrabida naman ni Bianca King.

“Kinakabahan nga ako dahil hindi ko pa alam kung paanong atake ang gagawin ko. Kahit kontrabida, kailangang iba-iba pa rin ang ipapakita ko sa manonood. Iba naman si Marian kay Bianca. Sa storycon nga pinag-aralan ko na si Bianca, sa nakita kong sweetness niya, hindi na ako mahihirapang maging salbahe sa character niya,” sabi ng graduate na sa pagsasayaw.

Tama lang ang desisyon niya na sa kabila ng magandang relasyon nila ni Arthur Solinap ay huwag munang dalhin ang kanilang relasyon sa seryosong lebel.

“Mag-iipon muna kami. Huwag muna ngayon. Samantalahin muna namin na maraming magagandang opportunity na dumarating. Bata pa naman kami, ’di pa kami dapat magmadali,” sabi pa ni Rachelle. “Pero andito pa rin ako kapag kailangan nila ako.”

Martin Concio mas piniling manahimik kesa mag-showbiz

Pinalitan pala si Martin Concio para mag-co-host ng Pinoy Big Brother Unlimited Edition ng isang Pinoy Big Brother alumni. Mas pinili ng dating co-host ng Music Uplate Live na iwan ang trabaho niya sa PBB Unlimited Edition para sa isang programa na mas bagay sa kanya. Pinalitan siya ni Paul Jake Castillo, runner-up nung panahong manalo si Melai Cantiveros.

Maayos naman na nagagampanan ng guwa­pong Cebuano ang kanyang co-hosting job na kung saan ay tinatanggap din ng maganda ng manonood si Robi Domingo.

ARTHUR SOLINAP

BIANCA

BIANCA KING

BOURNE LEGACY

BROKEN VOW

BUDOY

MARTIN CONCIO

NAMAN

PINOY BIG BROTHER

UNLIMITED EDITION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with