Pacman nanibago sa training

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - March 16, 2011 - 12:00am

May sagot na si Congressman Manny Pacquiao tungkol sa paninikip ng dibdib sa boxing training niya sa Baguio City.

Nakaranas ng paninikip ng dibdib si Manny dahil nanibago siya sa kanyang routine, as in sineryoso niya ng husto ang ginagawa kahit malayo pa ang laban nila ni Shane Mosley.

Walang dapat ipag-alala ang mga fans ni Pacquiao dahil maayos na maayos ang kanyang kondis­yon.

* * *

Napa-smile ako nang malaman ko ang ringtone ng cell phone ni Papa Chavit Singson. Ang kanyang ring tone? Ang hit song ni Julio Iglesias!

Bagay na bagay kay Papa Chavit ang kanyang ring tone na To All The Girls I’ve Loved Before dahil marami-rami rin ang babae na minahal niya at minahal siya.

Nadagdagan pala ang workload ni Papa Chavit mula nang makulong sa Hong Kong ang kanyang anak na si Ronald. Si Papa Chavit ang personal na nag-aasikaso ng mga negosyo na naiwan ni Ronald.

* * *

Hindi natin masisisi si Dra. Vicki Belo kung nakakaramdam siya ng separation anxiety dahil isang buwan sa Paris ang love of her life na si Hayden Kho, Jr.

Mag-aaral si Hayden ng perfumery sa Paris para sa kanyang perfume business sa Pilipinas.

Knowing Mama Vicki, hindi siya makakatiis na hindi makita ng matagal si Hayden. Hindi ako magugulat kung sumunod siya sa kanyang fiancé.

Narating ko na ang condo unit na titirhan doon ni Hayden. Maganda at very safe ang lugar dahil malapit nga ito sa presidential palace.

* * *

Tiyak na win ako kung sasali ako sa Sino Nga Ba ang Bumaril Kay George Wong? contest ng TV5.

Knows ko kung sino sa mga suspects ang bumaril sa karakter ni Freddie Webb sa Babaeng Hampaslupa pero hindi ko sasabihin or else, magagalit sa akin ang mga writers ng show.

Nalaman ko ang tumpak na kasagutan bago pa man nagkaroon ng pa-con­test ang TV5 para sa kanilang top-rating drama series.

Clue? Hmmm... artista siya!

* * *

Masuwerte kay Phillip Salvador ang 2011 dahil sunud-sunod ang kanyang mga TV projects. Napapanood si Ipe sa Buhawi Jack na malapit nang matapos pero hindi niya mararanasan ang mabakante dahil mapapanood siya sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

Napanood ko na ang TV plug ng bagong drama series ng Kapatid Network at ang magandang intro kina Ruffa Gutierrez at Ipe ang napansin ko.

Malaki ang cast ng Mga Nagbabagang Bulaklak dahil kasali rin sina Richard Gomez at Sheryl Cruz.

BABAENG HAMPASLUPA BAGUIO CITY BUHAWI JACK BUMARIL KAY GEORGE WONG DAHIL HAYDEN KANYANG MGA NAGBABAGANG BULAKLAK PAPA CHAVIT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with