^

PSN Showbiz

Aling Dionisia kukunan ng mga US sports channels

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi na talaga maabot si Aling Dionisia Pacquiao. Hindi aktuwal na panonoorin ng nanay ni Manny Pacquiao ang laban nito kay Ricky Hatton dahil baka mapaakyat siya sa ring ng wala sa oras kapag na-sight niya na nasasaktan ang kanyang anak.

Panonoorin ni Aling Dionisia ang laban mula sa TV sa hotel room niya pero sosyal siya dahil may mga TV cameras na tututok para i-record ang kanyang bawat reaksyon.

First time ni Aling Dionisia na manonood ng laban ni Manny sa Amerika kaya star na star ang magiging trato sa kanya.

Karakter na karakter si Aling Dionisia kaya sure ako na hit na hit sa mga televiewers ang mga eksena niya. Hindi lang ang GMA 7 ang tututok kay Aling Dionisia dahil kukunan din siya ng staff ng mga sports channels sa Amerika. Sosyal siya ha?

Siguradong maraming kuwento si Aling Dionisia sa unang biyahe niya sa Amerika at ito ang ina­abangan ng mga naaaliw sa kanyang kakikayan.

* * *

Sobra-sobra ang pa­sa­salamat ng mga ma­ga­galing na direktor kay Tony Tuviera dahil ito ang pasimuno sa Sine Direk.

Si Papa Tony ang nagbigay ng puhunan sa mga direktor para makagawa sila ng mga magaganda at matitinong pelikula.

Lubos ang pasasalamat ng mga direktor na sina Peque Gallaga, Mel Chionglo, Lore Reyes, Soxy Topacio, Joel Lamangan at Maryo J. delos Reyes sa suporta na ibinigay sa kanila ni Papa Tony.

Sinasabi ng iba na dying na ang movie industry pero gumagawa ng paraan si Papa Tony para mapanatiling masigla ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Nagulat nga ang mga invited sa press launch ng Sine Direk noong Biyernes dahil parang dumalo sila sa isang awards night.

Ang ganda-ganda raw ng presentation dahil binigyan ng importansya ang mga direktor at artista ng pelikula. May red carpet pa sa harap ng Greenhills Teatrino, ang lugar na pinagdausan ng okasyon.

Take note, mga bigating artista ang mga bida sa mga pelikula ng Sine Direk, sina Eddie Garcia, Richard Gomez, Gloria Romero, Celia Rodriguez, Tetchie Agbayani, Paolo Contis, Roderick Paulate at marami pang iba.

Suportahan natin ang Sine Direk para lalong ganahan si Papa Tony sa pagtulong sa Philippine movie industry!

* * *

Hindi totoo ang balita na buntis si Lian Paz kaya huminto muna ito sa pagsasayaw sa Eat Bulaga.

Totoo at hindi kathang-isip ang balita na kasing laki ng golf ball ang bukol na nakita sa loob ng katawan ni Lian.

Nagpapagamot si Lian at todo ang suporta na natatanggap niya mula sa kanyang boyfriend na si Paolo Contis.

You and me against the world ang love story ng dalawa kaya lalong napamahal si Lian sa kanyang boyfriend.

Hindi ko nakakausap si Paolo pero alam ko na gustung-gusto na niya na magkasundo na sila ng kanyang mother dear na tutol sa relasyon nila ni Lian.

Hindi nawawalan ng pag-asa si Paolo na lalambot din ang puso ng nanay niya.

vuukle comment

ALING DIONISIA

ALING DIONISIA PACQUIAO

AMERIKA

CELIA RODRIGUEZ

LIAN

PAOLO CONTIS

PAPA TONY

SINE DIREK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with