_ngayon
^

ABS-CBN nag-react

() - October 2, 2008 - 12:00am

Naging palaisipan sa publiko nitong nakaraang mga linggo ang napapa­balitang mga pagbabagong diumano’y magaganap sa nangungunang news and current affairs division sa bansa.

Upang matuldukan na ang mga haka-haka at tila intensyunal na pagbibigay ng maling impormasyon sa mga pahayagan, narito na ang tunay na paliwanag sa mga naglalabasang isyu:

Magbabalik ang batikang mamamahayag na si Ces Drilon sa programang Bandila. Muling sasamahan ni Ces sina Korina Sanchez at Henry Omaga Diaz sa naturang International Emmy-nominated newscast na maghahain naman ng mga pagbaba­gong dapat n’yong aba­ngan simula sa Oct 6.

Patuloy din na nama­ma­yagpag ang ABS-CBN News and Current Affairs dahil na rin sa pa­tuloy na pagiging numero uno sa himpapawid ng programa nitong TV Patrol World na pina­ngu­­ngunahan ng res­peta­dong anchors na sina Ted Failon, Karen Davila, at Julius Babao. Hindi pa rin ito matinag at matalo ng mga kala­bang programa sa kabila.

Samantala, mana­natili pa ring anchor ng TV Patrol World ang broadcast journalist na si Karen Davila kasabay ng weekend show niyang Wonder Mom na nga­yo’y isang oras na.

HENRY OMAGA DIAZ INTERNATIONAL EMMY JULIUS BABAO KAREN DAVILA KORINA SANCHEZ NEWS AND CURRENT AFFAIRS PATROL WORLD SHY TED FAILON WONDER MOM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with