^

PSN Showbiz

Julio Diaz, Japayuki na rin!

-
Nagbalik mula sa Japan at Australia ang multi-awarded actor na si Julio Diaz. More than two months siyang nag-stay sa Japan para sa stage play na Sa North Diversion Road ng Teatro Kanto. Ito ay mula sa direksyon ni Dr. George Cabrera.

Kinuha siyang guest lead role ng mga PETA workshoppers na naka-base sa Tokyo. It’s a newly formed performing artists group na layuning ma-upgrade at ma-enhance ang imahe ng mga Filipinos, by way of performing theatre plays.

On their 3rd week of rehearsals, dumating doon ang wife niya at nag-iisang anak. Usapan na nila ito, na ipapasyal niya ang kanyang mag-ina sa Tokyo Disneyland. After their scheduled plays, naunang umuwi sa Pilipinas ang kanyang asawa’t anak.

Nagpunta naman siya ng Australia to meet some friends para pag-usapan ang isang negosyo. This has something to do with a real estate business na plano nilang palawakan dito sa ating bansa.

Sinamantala na rin niya ang pamamasyal doon. Palibhasa’y mahilig talaga sa negosyo si Julio, nag-ikot siya roon at baka raw may makita pa siyang ibang business opportunity na pwede niyang gawin dito.

Pero kinailangan niyang magbalik ng ‘Pinas dahil tinawagan siya para makasama sa pelikulang Lapu Lapu ni Lito Lapid, isa sa napiling sampung script na pagpipilian ng final seven films na lalahok sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) sa darating na Disyembre.

"Ang pelikulang ito ay intended for release sa international market. Isang interpreter ni Magellan ang role na na-assign sa akin. Maaaring hindi ganoon kabigat ang part ko, pero sa istorya, ako bale ang nagli-link sa kanila.

"Hindi naman masasabing panlaban talaga sa acting derby ang role ko, pero malaki ang partisipasyon ko sa pelikulang ito. The mere fact na ipalalabas ito abroad, malaking chance na baka may makapansin na mga foreign directors and producers sa akin," lahat ni Julio.

Bold and sexy films muli ang current trend sa showbusiness. Mahigpit ang kumpetisyon ngayon ng mga baguhan at datihang artista. Pangkaraniwan na lang ang paghuhubad ngayon, lalaki man o babae. Makikipagsabayan ka ba?

"Basta’t kailangan at disente naman ang pagkakagawa, why not. Bakit ba sina Harrison Ford, at their age, ginagawa rin yun? (Ulat ni Ben Dela Cruz)

vuukle comment

BEN DELA CRUZ

DR. GEORGE CABRERA

HARRISON FORD

JULIO DIAZ

LAPU LAPU

LITO LAPID

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

SA NORTH DIVERSION ROAD

TEATRO KANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with