^

Probinsiya

66-anyos lola pinagtataga, braso naputol

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Itinapon sa masukal na kabundukan

MAUBAN, Quezon, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 66-anyos na lola matapos pagtatagain at saksakin sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na ikinaputol pa ng kanyang braso ng di kilalang salarin saka itinapon ang bangkay nito sa masukal at malayong bahagi ng kabundukan sa Barangay San Jose ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Sa report ng Mauban Police, naaagnas na nang matagpuan ang biktima na tadtad ng taga sa tiyan, at putol ang kanang bisig na nakilalang si Nenita Piel, biyuda, residente ng Sitio Ilaya,  Brgy. San Jose, Mauban, Quezon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima sa magubat na bahagi ng barangay na agad nilang inireport sa kanilang kapitan ng barangay.

Sinabi ng pulisya na naniniwala silang biktima ng murder si Piel dahil sa nakitang matinding mga taga na inabot sa katawan.

Ayon sa pamilya ng biktima, nais nilang dalhin sa Mauban town prober ang katawan ng biktima subalit nabigo sila dahil sa pahirapan na maibaba bunsod sa kondisyon ng dadaanan nilang lugar sa kabundukan. Imposible rin anilang makabalik sila sa kanilang bahay dahil sa madilim na at tinitingnan din nila ang kanilang kaligtasan dahil sa banta umano ng mga rebelde sa nasabing komunidad.

Inaalam na ng pulis ang responsable sa pamamaslang sa biktima at motibo sa karumal-dumal na pagpatay sa matanda.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with