^

Probinsiya

Biker dedo sa 2 sasakyan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Biker dedo sa 2 sasakyan
Idineklarang dead-on-arrival sa Bicol Medical Center ang biktimang si Manuelito Sta. Ana Senson, 46-anyos, residente ng Brgy. Sua, Camaligan.
STAR/ File

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Nasawi ang isang lalaki matapos magulungan ng dalawang sasakyan habang nagbibisikleta sa tabi ng kahabaan ng Maharlika National Highway ng Brgy. Concepcion Pequeña sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Idineklarang dead-on-arrival sa Bicol Medical Center ang biktimang si Manuelito Sta. Ana Senson, 46-anyos, residente ng Brgy. Sua, Camaligan.

Sa ulat, dakong alas-5:45 ng hapon magkasunod na binabagtas ang highway ng Honda City Sedan (NCI-7399) na minamaneho ni Sarah Balanlayos Sta. Ana, 31-anyos, nurse, residente ng Brgy. Sua, Camaligan at ng nagbibisikletang si Senson nang aksidenteng mabangga ang kotse ng sumusunod namang Toyota Lite Ace van (TMG-671) na minamaneho ni Joel Bagadiong Perlado, 44-anyos, guro at residente ng Zone-3, Brgy. San Agustin, Pili.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, parehong nawalan ng kontrol ang kotse at Lite ace van kaya nabangga naman nila at nagulungan ang nagbibisikletang biktima na nasa bahagi ng shoulder ng kalsada.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with