^

Probinsiya

Magkaibigan arestado sa ‘paihi’ ng LPG

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — Arestado sa isina­gawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Barangay Intelligence Network (BIN) ang isang magkaibigang lalaki sa aktong nagkakarga ng “paihi” ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Sitio Dulo, Brgy. Bulihan ng nasabing bayan kamakalawa ng hapon.

Sa inisyal na report ni P/SMS Jayson dela Cruz kay PNP Acting Provincial Director P/Col. Rommel Ochave, kinilala ang mga nadakip na sina Bryan Rayoso, 24, vendor at Gil Gasga Rayoso, 28, gas refiller; kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:50 ng hapon nang umaktong poseur buyer ang isa sa mga pulis. Nang magkabayaran, nakumpiska sa mga suspek ang 20 butane canister na puno ng LPG.

At karagdagang 120 butane canister na may LPG at 140 na empty butane canister, isang 50kg LPG tank, tatlong 11kg LPG tank at isang set ng refilling mechanism.

Tinatayang aabot sa halagang P18, 595.00 ang nakumpiska sa dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa P.D No. 1865 o illegal selling of petroleum product.

vuukle comment

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with