^

Probinsiya

Ayuda ipinambili ng alak, kuya inutas ni bunso

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Ayuda ipinambili ng alak, kuya inutas ni bunso
Kinilala ng Allacapan Police ang nasawing biktima na si Ador Castro, 43, isang magsasaka habang ang suspek ay ang kanyang kapatid na si Jefferson, 18, kapwa residente ng Barangay Dalayap sa nasabing bayan.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang mister matapos masaksak ng nakababatang kapatid nang magtalo dahil lamang sa ayuda na ipinambili diumano ng alak sa bayan ng Allacapan sa lalawigang ito, kamakalawa.

Kinilala ng Allacapan Police ang nasawing biktima na si Ador Castro, 43, isang magsasaka habang ang suspek ay ang kanyang kapatid na si Jefferson, 18, kapwa residente ng Barangay Dalayap sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ­unang pinagsabihan umano ang biktima ng kanyang ama na mali ang kanyang paggastos sa natanggap na ayuda mula sa provincial government na ipinambili nito ng alak na naging dahilan naman ng kanilang pagtatalo. 

Dito na namagitan si Jefferson at iba pang kamag-anak hanggang sa ang dalawang magkapatid ang nag-away na humantong naman sa pananaksak.

Dipensa ng suspek sa pulisya, may hawak umanong itak ang kanyang kuya na unang umatake sa kanya kung kaya’t nasaksak niya ito gamit naman ang isang kitchen knife.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Boluntaryo namang sumuko ang nakasaksak na kapatid sa pulisya matapos ang insidente.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with