_ngayon
^

Probinsiya

Mag-utol nilikida ng naka-mini van

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang magkapatid matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang mga salarin sa bahagi ng Sinsuat Avenue, Malibacao Street, Barangay Rosary Heights 13 ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital sina Al-Fahad Mahamod, 19-anyos, may asawa at kapatid niyang 17-anyos na si Zuharto, estudyante; kapwa taga-Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa report, nakaupo lamang ang magkapatid sa nakaparada nilang motorsiklo pasado alas-10:00 ng gabi sa nasabing lugar nang biglang may humintong mini van malapit sa kanila at kaagad binaril si Al-Fahad gamit ang caliber 45 pistol.

Nakatakbo pa si Zuharto pero hinabol ng mga suspek at pinagbabaril din saka tumakas ang mga suspek.

Sinisiyasat pa ng Cotabato City Police ang insidente upang matukoy ang motibo sa pagpatay at responsable dito.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with