^

Probinsiya

Drug surrenderee itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Drug surrenderee itinumba
Sa report ng Pulisya, dakong alas 10:00 ng gabi nang tambangan ng pinaniniwalaang riding-in-tandem si Jovita Baclig na noo’y naglalakad patungo sa tindahan upang kargahan ng load ang kanyang cellphone.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Utas ang isang 42- anyos na drug surrenderee matapos ratratin ng bala ng mga berdugo sa Brgy. Pug-os, Cabugao, Ilocos Sur noong Martes.

Sa report ng Pulisya, dakong alas 10:00 ng gabi nang tambangan ng pinaniniwalaang riding-in-tandem si Jovita Baclig na noo’y naglalakad patungo sa tindahan upang kargahan ng load ang kanyang cellphone.

Nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan si Bac­lig at isinugod ng mga sumaklolo sa Suero Gen. Hospital, Cabugao kung saan siya nalagutan ng hininga habang binibigya ng lunas.

Nagkalat ang mga basyo ng bala ng Super 38 at 9mm boga sa crime scene.

Gayunman, dinakip ng mga awtoridad ang bayaw na kapitbahay ng biktima na si Emlio Baclig sa isang follow-up operation.

Kasalukuyang inaalam sa imbestigasyon kung may kinalaman sa drug trade ang motibo ng krimen.

DRUGS

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with