^

Probinsiya

Nigerian timbog sa P1.7 milyong shabu

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Nigerian timbog sa P1.7 milyong shabu
Sa ulat,pasado,alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya na kung saan nakatunog ang suspek na pulis ang ka-transkasiyon kaya’t sumakay ito sa kanyang get away vehicle na Toyota Camry (WFH-212) at nawalan ng kontrol at bumangga sa pader ng isang gusali sa Cruz Avenue kanto ng Cruz Extension,Sitio Airwolf,Don Bonifacio Subdivision at dito na naaresto ang suspek.

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Arestado ang isang Nigerian national matapos na masamsaman ng nasa P1.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy.Pulung Maragul sa lungsod na ito,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Mathias Ibrahim Anike,30,residente sa Blk. 3,Lot 18 Compley Street,Lancaster,Imus City,Cavite.

Sa ulat,pasado,alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya na kung saan nakatunog ang suspek na pulis ang ka-transkasiyon kaya’t sumakay ito sa kanyang get away vehicle na Toyota Camry (WFH-212) at nawalan  ng kontrol at bumangga sa pader ng isang gusali sa Cruz Avenue kanto ng Cruz Extension,Sitio Airwolf,Don Bonifacio Subdivision at dito na naaresto ang suspek.

Nasamsam ang tinatayang 250 gramo ng hinihina­lang shabu na may street value na P1,700,000.00,mga Identification cards,isang black Nokia keypad,isang Samsung Android Duo,isang Iphone 8,at perang ginamit sa nasabing operasyon.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with