^

Ex-colonel na nang-rape ng anak arestado

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines —  Matapos ang 15-taong pagtatago, nasakote na ng mga awtoridad noong Martes ng gabi sa kanyang hideout sa Batangas ang isang dating police colonel na wanted sa panggagahasa sa sariling anak na babae sa Baguio City.

Kinilala ni Baguio City Police director Col. Allen Rae Co, ang naarestong wanted na si Ronaldo Salcedo Olarte, na nakasuhan ng incestuous rape noong 2006, ay nasakote dakong alas-7:20 ng gabi sa Balintawak Road, Lipa City ng pinagsanib na puwersa ng Baguio City Police, intelligence agents at PNP-Integrity Monito­ring Enforcement Group (IMEG) katuwang ang Batangas Police.

Si Olarte na naitala rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) “most wanted perso­nality” at may P135,000 patong sa ulo ay sinibak sa serbisyo at nawala sa PNP roll noong Pebrero 2006, isang buwan matapos gawin ang karumal-dumal na krimen sa sariling anak.

Pinarangalan naman ni Col. Co ang mga tauhan na walang humpay na naghanap sa tiwaling dating colonel at sa iba pang wanted criminals sa lungsod.,— Raymund Catindig

OLARTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with