^

Notoryus na ‘pusher’ dedo sa parak

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

DEL GALLEGO, Camarines Sur, Philippines — Dead-on-the spot ang notoryus umanong tulak ng droga matapos pumalag sa buy-bust operation at mabaril ng mga pulis sa Brgy. Macais Uno ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napas­lang na suspek na si Wilson Diano Caindoy, nasa hustong gulang, at dati nang sumuko sa nakaraang Oplan Tokhang.

Sa ulat,dakong alas-9:30 ng gabi, kumagat sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Del Gallego Police sa pangunguna ni Capt. Ermelo Dichoso Jr. ang suspek. Gayunman, nang i-abot nito sa pulis na poseur buyer ang biniling isang sachet ng shabu ay nakahalata ang suspek na pulis ang katransak­syon kaya bumunot ng baril pero bago nito naiputok ay binaril na siya ng mga operatiba.

Nakuha sa suspek ang isang Kalibre 45 baril,apat na sachet ng shabu at drug paraphernalia.

PULIS PUSHER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with