^

Probinsiya

Cagayan binaha ng ayuda!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Cagayan binaha ng ayuda!
Litrato ng aktres at tanyag na vlogger na si Ivana Alawi matapos mag-repack at magdala ng relief goods para sa mga nasalanta ng nagdaang Typhoon Ulysses, ika-17 ng Nobyembre.
Mula sa Twitter account ni Ivana Alawi

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Muli na namang binaha ang Cagayan subalit sa pagkakataong ito ay hindi tubig mula sa bagyo at Magat dam kundi sa mga donasyong natanggap nito para sa mga sinalanta ng mga nagdaang kalamidad.

Ito ang pahayag ni Governor Manuel Mamba na nagsabing umabot na sa 15,000 family relief packs ang pinakahuling naipamudmod ng pamahalaang panlalawigan sa lungsod na ito at sa 28 munisipalidad ng lalawigan. Aniya, patuloy pa ang pagpapamudmod nila ng mga ayudang dumagsa at sinigurong lahat ng mga ito ay makakarating sa mga kinauukulan.

Ayon sa gobernador, hindi dapat magtagal sa imbakan ang mga dumarating na tulong gaya ng bigas at pagkain.

Gayunman mahigpit ang kautusan ni Mamba na “Provincial Government of Cagayan” lamang ang itatak sa sisidlan ng relief packs at huwag ang kanyang pangalan o pagmumukha.

Bukod sa ayudang pagkain at kagamitan, sinabi ni Mamba na ang cash donations ay niresibuhan at idineposito ng Provincial Treasurer’s Office na siya ring magpapaskel ng detalye nang tinanggap na pera.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with