^

Probinsiya

18 pulis tinamaan ng COVID-19, istasyon ni-lockdown

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon
18 pulis tinamaan ng COVID-19, istasyon ni-lockdown
Sinabi sa Pilipino Star NGAYON (PSN) ni Cagayan Governor Manuel Mamba na unang nagpositibo noong Sabado ang dalawang imbestigador ng nasabing istasyon na nakahawa sa 16 pa nilang kabaro na lumabas ding positibo sa virus kahapon.
The STAR/Miguel de Guzman

TUGUEGARAO CITY , Philippines  — Isinailalim sa “indefinite lockdown” ang police station ng Enrile, Cagayan matapos magpositibo sa COVID-19 ang 18 na opisyal at tauhan na tumatao sa gusali nito at isang 15-anyos na dalagitang nasa kanilang kustodya kahapon.

Sinabi sa Pilipino Star NGAYON (PSN) ni Cagayan Governor Manuel Mamba na unang nagpositibo noong Sabado ang dalawang imbestigador ng nasabing istasyon na nakahawa sa 16 pa nilang kabaro na lumabas ding positibo sa virus kahapon.

Ayon kay Mamba, nahawa sa isang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang da­lawa habang sinisiyasat nila ang kasong rape ng isang menor-de-edad na nasa pangangalaga ng naturang kagawaran.

Naunang nagkaroon ng exposure ang taga-DSWD sa mga kapwa niya kawani sa munisipyo na nagka-COVID nitong mga naunang linggo ng Oktubre.

Dahil sa hawaan sa pamahaalang bayan, isinailalim ng pamunuan ni Mayor Miguel Decene ang Enrile sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Oktubre 6 hanggang 21. May 20 kawani ng munisipyo ang napaulat na nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, pinadala ng Cagayan Police Office ang augmentation force upang huma­lili sa mga nagpositibo nilang kabaro habang ang iba pa ay naghihintay ng resulta ng kanilang swab test na lalabas sa linggong ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with