^

Magkaangkas nalubak: 1 patay

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

CAVITE , Philippines — Patay ang isang rider habang kritikal ang angkas nito na kapwa empleyado ng isang electronic company makaraang sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo nang madaanan ang isang mahabang kahoy sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Lalaan 2nd, Silang, lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang namatay na si Mark Anthony Pruelda Martos, 28, promodizer, residente ng  B4, L26, Dreamville IV, Phase 2 Alapan 1- C, Imus City habang kritikal ang backrider nito na si Elimark Pacheco Tiña, 29, ng Blk. 102, Lot 30, Phase 4, Mary Cris Complex, Pasong Camachile II, Gen. Trias, Cavite.

Sa ulat, alas-3:02 ng madaling araw habang sakay ang mga biktima ng Yamaha Mio motorcycle at bumabagtas sa nasabing highway nang biglang magulungan nila ang isang mahabang kahoy sa kalsada dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela si Martos hanggang sa sumemplang.

Tuluy-tuloy na sumalpok ang motorsiklo sa isang kongkreto at humataw sa plant box. Patay agad ang driver habang kritikal ang angkas.

MARK ANTHONY PRUELDA MARTOS YAMAHA MIO MOTORCYCLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with