^

Rapper todas sa ‘love triangle’

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Isang fliptop rapper ang patay sa harap ng kanyang nobya matapos na barilin ng isang lalaki dahil sa hinihinalang “love triangle” sa Imus City kamakalawa.

Kinilala ang napatay na biktima na si John Ross Delos Santos, mas kilala sa tawag na LilJohn, 35-anyos. Sa ulat, si Delos Santos ay nakaupo sa kanyang motorsiklo bandang alas-5:30 ng hapon sa Main Road, Legian 2B Subdivision, Brgy. Carsadang Bago 1, Imus City nang big­lang lapitan ng suspek at ilang ulit na pinagbabaril.

Kasama ng biktima ang kanyang nobya na si Danielin Licup na masuwerteng hindi tinamaan ng bala. Dinala pa sa Ospital Ng Imus ang biktima pero idineklara na siyang dead-on- arrival. Patuloy ang im­bestigasyon ng pulisya at sinisilip ang anggulong love triangle sa krimen. 

LOVE TRIANGLE RAPPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with