4 Abu Sayyaf nalambat
MANILA, Philippines – Apat na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Baliwasan Grande, Zamboanga City nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Aljiver Habibula, 35; Omar Julaspih, 22; Rody Marail, 36 at Nash Amik, 32 taong gulang; pawang mga tubong Sulu.
Nakumpiska mula sa mga naarestong lokal na terorista ang apat na electric blasting caps, limang 40 MM bala, detonating cord, 500 ml transparent plastic container, triggering device, electrical tape, magnetic wire, kawayan na naglalaman ng ammonium nitrate at isang Q-net cellphone at 19 piraso ng cal 5.56 MM.
- Latest