2 gunrunner todas sa shootout
MANILA, Philippines — Bumulagta ang dalawang hinihinalang notoryus na gunrunner matapos na kumasa sa mga operatiba ng pulisya nang mauwi sa shootout ang buy-bust operation sa San Fernando City, Pampanga nitong Martes ng gabi.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 3 Director Police Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, bandang alas-8:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga Pampanga 1st Provincial Mobile Force Company at San Fernando City Police laban sa dalawang suspek na ‘di pa matukoy ang pagkakakilanlan sa Mystique Lane Hotel sa Lazatin Boulevard, Brgy. San Juan ng lungsod.
Agad na nakipag-deal ang mga awtoridad sa mga suspek at habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog sila kaya agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang undercover agent pero sumablay ito sanhi ng shootout na ikinasawi ng dalawang suspek.
Narekober sa crime scene ang dalawang cal. 45 pistol na kargado ng bala, isang cal. 22 revolver, limang plastic sachet ng shabu, weighing scale, aluminum foil at isang kulay silver na Nissan Almera Sedan (NAI-2750).
- Latest