Crane operator nilamon ng ilog
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines –Isang crane operator ang nasawi matapos tangayin ng agos at lamunin ng ilog sa lalawigan ng Quirino kamakalawa. Nakilala ang biktima na si Christopher Cornelio, 40, at residente ng Janet Extension, Tandang Sora, Quezon City. Sa imbestigasyon ng pulisya, patawid noon ang biktima sa bahagi ng Bucao Bridge sa Barangay Keat, Nagtipunan, nang tangayin siya ng rumaragasang agos ng ilog dahil sa pagtaas ng tubig bunsod ng malakas na ulan. Agad naman na nagtulung-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente para marekober ang bangkay ng biktima.
- Latest