Board member itinumba
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang board member ng lalawigan ng Dinagat matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek kahapon ng umaga sa Surigao del Norte.

Dead-on-arrival sa Caraga General Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Wenefredo Ruig Olofernes, 52, at residente ng Purok Springville-B, Brgy., Luna Surigao City.

Dakong alas-7:10 ng uma­ga nang maganap ang pamamaril sa KM2, Brgy. Luna habang sakay ng Honda XRM ang biktima at papauwi na sa kanilang bahay. Pagsapit sa naturang lugar, bigla na lamang sumulpot ang mga hindi nakikilalang suspek sakay ng isang itim na Honda motorcycle at binaril ang biktima sa ulo.

Nagtatag na ng Task Force Olofernes ang pulisya para maresolba agad ang krimen habang nag-alok na rin ng pabuya na P50,000 ang mga awtoridad para sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek. Rhoderick Beñez

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with