^

Probinsiya

Kawatan ng kalabaw tiklo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela - Isang 19-anyos na lalaki ang nadakip matapos matiklo nang ibenta ang ninakaw na kalabaw sa Amulung, Cagayan, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Ronald Cabasag, 19,  ng Brgy. Iraga, Solana, nasabing lalawigan.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Manuel Matagay, ng Amulung Police, naging kahina-hinala na nakaw ang ibinebentang kalabaw ng suspek matapos ialok nito ang dalawang kalabaw sa halagang P20,000 lamang.

Wala rin umano siyang maipakitang dokumento na nagpapatunay na sa kanya ang mga kalabaw.

Agad nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya na nagresulta sa pagkadakip ng suspek. Dito na umamin ang suspek na ninakaw nga niya ang nabawing mga kalabaw na pag-aari ng kanyang kapitbahay na si Jerry Gabona.

vuukle comment

THIEF ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with