^

Probinsiya

2 ‘holdaper’ utas sa shootout!

Joy Cantos, Alex Galang - Pilipino Star Ngayon
2 �holdaper� utas sa shootout!
Patuloy pang ina­alam ng pulisya ang pag­kakakilanlan sa mga napaslang na suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

MANILA, Philippines — Bumulagta ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery gang matapos na kumasa at makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa sa Brgy. Sta Rita, Olongapo City, Zambales nitong Biyernes.

Patuloy pang ina­alam ng pulisya ang pag­kakakilanlan sa mga napaslang na suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-4:20 ng madaling araw nang makorner at mapatay ng mga pulis ang mga suspek.

Nauna rito, nakatanggap ng report ang Station 5 ng Olongapo City Police mula sa isang lalaki na hinoldap umano siya at tinangay pa ang kanyang motorsiklo ng motorcycle riding-in-tandem sa Brgy. Sta Rita.

Dahil dito, agad na hinabol ng mga nagpapatrolyang mga pulis ang dalawang suspek at ng malapit nang maabutan sa tapat ng isang pampublikong semen­teryo sa lugar ay agad umano silang nagpa­putok ng baril hanggang sa gumanti ng putok ang mga pulis. Isa pang umano’y kasamahan ng mga suspek na nakasakay sa hiwalay na motorsiklo ang nakatakas.

Narekober sa crime scene ang ilang sachet ng shabu at mga bala mula sa mga napatay na suspek.

vuukle comment

ROBBERY GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with