^

Probinsiya

Mag-asawa itinumba

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang mag-asawa matapos silang pagbabarilin ng limang di pa natutukoy na gunmen naganap sa Purok Bougainvillea, Brgy. Tamnag sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat, kamakalawa ng umaga. Kapwa dead-on-the-spot ang mag-asawang biktima na kinilalang sina Jose at Marissa Ballion, kapwa nasa hustong gulang, kolektor ng isang lending company at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni PS/Insp. Herman Luna, hepe ng Lutayan Municipal Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang pasukin umano ang mga biktima sa kanilang tahanan ng limang armadong kalalakihan at walang abug-abog na pinagbabaril ang mga ito.

Sa imbestigasyon, bago mangyari ang insidente nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at mga suspek.

Dito na nakarinig ng ilang putok ang mga residente sa lugar kung saan matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek at nadiskubreng kapwa patay na ang mag-asawa. 

Ayon kay Luna, tinuturong suspek umano ang amo ng mag-asawa na kinilalang si Naga Mangudadatu, may-ari ng lending business at posib­leng nagalit umano ito sa mag-asawa dahil sa mga perang hindi nai-remit sa kanya.

vuukle comment

DEAD-ON-THE-SPOT

GUNMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with