^

Probinsiya

Mister inutas ng karibal

Christian Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

Nueva Ecija  , Philippines  — Nasawi ang isang 42-anyos na mister matapos itong pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang misis ng isang lalaking pinaniniwalaang may pagtingin din sa kanyang ginang naganap sa Barangay Pob­lacion Uno, sa bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Jerry Bribon, construction worker, residente ng Brgy. San Josef ng nasabing bayan.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na agad na tumakas matapos ang pamamaslang na si Augusto Espiritu Jr., 33-anyos, binata, walang hanapbuhay, at residente rin ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:50 ng gabi habang kausap ng suspek ang misis ng biktima na si Rosalyn, 39-anyos sa labas ng kanilang tahanan, nang dumating ang biktima sakay ng kanyang bisikleta.

Paghinto pa lamang ni Bribon sa nag-uusap na misis niya at suspek ay walang abug-abog na bumunot ng baril si Espiritu at agad na pinutukan ang biktima na tinamaan sa kanyang likuran at ulo.

Agad namang tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo habang narekober sa crime scene ang da­lawang piraso ng fired cartridge case ng cal.45 baril.

Love triangle naman ang tinitignang anggulo ng pulis­ya sa motibo ng pamamas­lang.

vuukle comment

DEAD-ON-ARRIVAL

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with