^

Probinsiya

Retiradong pulis, itinumba

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  —   Itinumba ang 52-anyos na retiradong pulis matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa pag-aaring car display center sa Barangay Palico 4, Imus City sa Cavite kahapon ng tanghali.

Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Cornelio Lindon Bugayong, may asawa, at residente ng Barangay Poblacion1-A sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-12 ng tanghali nasa car display center sa kahabaan ng Aguinaldo Highway ang biktima nang lapitan at pagbabarilin.

Narekober sa crime scene ang cal.45 pistol na pag-aari ng biktima, at 3 basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa negosyo ng biktima ang naganap na pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with