^

Probinsiya

Dalaga nilikida sa sayawan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang 25-anyos na dalaga matapos itong barilin ng hindi kilalang lalaki sa gitna mismo ng sayawan sa Salvacion Elementary School sa Barangay Salvacion sa Iriga City, Camarines Sur kahapon ng mada­ling araw. Sinubukan pang isugod sa Our Lourdes Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Dalia Pili, ng Zone 5, Barangay San Antonio sa nasabing lungsod. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nagpapaalam na ang biktima sa mga kasamahan na uuwi mula sa inumagang sayawan sa kapistahan ng barangay nang lapitan at barilin sa likuran ng ulo. Nagpulasan at nagsigawan ang mga bisita sa sayawan at walang pumigil sa gunman kaya nakatakas. Isa sa anggulong sinisilip ng pulisya ay kung may tinanggihang lalaki ang biktima na magsayaw.

DALIA PILI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with