Magtiyahin kritikal sa ambush
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan magtiyahin matapos na pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa naganap na pananambang sa Isabela City, Basilan kahapon ng umaga. Isinasalba ang buhay sa Isabela City Hospital ang magtiyahing sina Satarian Jaber at Ahamad Jaber, mga nakatira sa nasabing bayan. Sa ulat ni Col. Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Basilan na nakarating sa Camp Aguinaldo, bumabagtas sa kahabaan ng Cabcaban at Canas Road ang motorsiklo ng magtiyahin nang tambangan. Rumesponde naman ang tropa ng Army’s 68th Infantry Battalion kaya naisugod sa nasabing ospital ang magtiyahin habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest