^

2 dedo sa road mishap

GOTCHA - Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2016 - 12:00am

QUEZON, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang driver at pahinante ng trailer truck matapos itong bumangga sa gilid ng bundok sa Barangay Malinao Ilaya, bayan ng Atimonan, Quezon kamakalawa ng umaga. Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Jay-Ar Tapulayan, 30, binata, ng Tarlac; at Jeremy Santos,19, ng Nueva Ecija. Base sa ulat ng pulisya, magkasama sa truck (UVJ-903) ang dalawa patungong bayan ng Gumaca, Quezon para mag-deliver ng softdrinks nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Nagpagewang-gewang ang truck hanggang sa bumangga sa gilid ng bundok na nasa kaliwang bahagi ng kalye at inararo pa ang poste ng telecom. Dahil sa aksidente ay nabali ang poste at nabagsakan ang mga biktima kaya kapwa naipit sa loob ng trak.

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with