P5-M kontrabando, nasabat
SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines – Aabot sa P5-milyong halaga ng tatlong second hand luxury cars na tangkang ipuslit gamit ang pekeng dokumento ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Subic Bay Freeport Zone kamakalawa.
Sa inisyal na ulat ni Special Agent 1 Danny Delos Reyes ng Subic Customs Police, ang mga kontrabando na lulan ng 40 footer container van lulan ng M/V Bomar Spring ay dumating sa Subic Bay Freeport mula Busan, South Korea
Nakatakda sanang ipuslit ang BMW 735IL, Chrysler, at Audi luxury cars na naka-consigne sa Koreanong si Jinseok Jeong ng Barangay New Cabalan, Olongapo City nang masabat ng mga awtoridad dahil sa mga pekeng dokumento.
Base sa nakalap na cargo manifest, ang tatlong sasakyan ay kabilang sa 52 used truck replacement pero nang isagawa ang 100% spot checking ay nabunyag ang anomalya.
- Latest