_ngayon
^

Probinsiya

Babae binigti sa sementeryo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 44-anyos na babae matapos itong bigtihin sa loob ng pampublikong sementeryo sa San Pablo City, Laguna, ayon sa ulat kahapon. Sa report ni P/Senior Supt. Ronnie Montejo, acting provincial director ng Laguna PNP na nakarating sa Camp Crame, Lunes ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Felipa Alip Mendoza sa sementeryo sa Brgy. II-F. Ang biktima ay nagtamo ng malalim na sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ng isang residente. Huling namataang buhay ang biktima noong Linggo ng umaga nang magpaalam sa kaniyang ka-live-in na lalabas lamang sandali at may mahalaga lamang itong aasikasuhin. Gayon pa man, nabigong makauwi ang biktima hanggang sa madiskubre ang bangkay nito kamakalawa ng umaga.

ANG BIKTIMA BRGY CAMP CRAME FELIPA ALIP MENDOZA GAYON HULING LINGGO RONNIE MONTEJO SAN PABLO CITY SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with