Biyuda tinodas sa bahay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang clan war ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang 52-anyos na biyuda ng mga hindi kilalang kalalakihan  sa Purok 1, Barangay North Poblacion sa bayan ng Maramag, Bukidnon kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame, nag-iisa ang biktimang si Lorgina Cañas sa kanyang bahay nang pasukin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki bandang alas-6:30 ng gabi. Ilan sa kapitbahay ang nakaranig na nagmamakaawa ang biktima ay hindi ito pinakinggan at agad na pinagbabaril ang nakaluhod na biyuda. Matapos isakatuparan ang krimen ay mabilis namang nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang  destinasyon. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang inbestigasyon.

ANG ATILDE BARANGAY NORTH POBLACION BUKIDNON CAMP CRAME ILAN LORGINA CA MARAMAG MATAPOS NAREKOBER PINANINIWALAANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with