Trader binoga dahil sa pulutan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kritikal ang 45-an­yos na negosyante matapos itong barilin ng sariling utol na retiradong pulis dahil lamang sa simpleng kantiyawan sa inuman sa Barangay Estrella, bayan ng San Mateo, Isabela noong Linggo. Tinutugis ng pulisya ang suspek na si ret. SPO2 Benjamin Ballesteros, 49, habang isinasalba naman ang buhay ng biktimang si Franklin Ballesteros na nagtamo ng tama ng baril malapit sa puson.? Sinasabing napikon ang nakatatandang Ballesteros sa kantiyaw ng kapatid kaugnay sa lakas nitong mamulutan kaya naganap ang pamamaril. Nadatnan na lamang ang biktimang duguan na nakasubsob sa lamesa habang tumakas naman ang kuya nito.?

ACIRC ANG BALLESTEROS BARANGAY ESTRELLA BENJAMIN BALLESTEROS FRANKLIN BALLESTEROS ISABELA KRITIKAL LINGGO NADATNAN SAN MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with