_ngayon
^

Probinsiya

Bus vs kotse: 2 utas

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawa-katao ang namatay makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kasalubong na kotse sa Maharlika Highway sa Barangay Palestina, bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang dalawa na sina Ryan Cris Cano, 34, driber ng kotse; at Raissa Isabella Cano, 25, habang naisugod naman sa Mother Seton Hospital ang mga sugatang sina Sabreene Cano, 25; Johj Edward Cano, 21, mga nakatira sa Antipolo City, Rizal; at ang driver ng bus na si Sonny Abanez, 45, ng Barangay Taculod, Canaman, Camarines Sur.

Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, naganap ang sakuna dakong alas-4:25 ng madaling araw kung saan nagsalpukan ang Toyota Vios (AAK-5508) ng dalawang namatay na patungong Maynila at ang Saint Rafael Transport ni Abanez.

Nabatid na idinaos ng dalawa ang Kapaskuhan sa mga kamag-anak na kung saan nakasalubong naman si kamatayan habang pauwi.

ANG ANTIPOLO CITY BARANGAY PALESTINA BARANGAY TACULOD CAMARINES SUR CAMP SIMEON OLA JOHJ EDWARD CANO MAHARLIKA HIGHWAY MOTHER SETON HOSPITAL RAISSA ISABELLA CANO RYAN CRIS CANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with