_ngayon
^

17 arestado sa drug den

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2015 - 9:00am

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 17-katao na sinasabing adik at drug pusher matapos masakote ng mga awtoridad sa sinalakay na dalawang drug den sa Barangay Caingin, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Jimmy Bautista, 50; Miguel Mendoza, 21; Ferdinand “Angko” Javier, 43; at si Ginafer Javier, 21, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng 13 iba pa. Nakatakas naman ang mag-asawang alyas Kasyo at Vangie na sinasabing supplier ng shabu. Sa ulat ni PDEA Region 3 Director Gladys F. Rosales, sinalakay ng PDEA at Bocaue PNP ang mga bahay nina Bautista at Javier sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 72. Narekober sa mga drug den ang 4-plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, analog weighing scale, set ng tirador, pana at mg bala ng cal .38 revolver.

ANG ANGKO BARANGAY CAINGIN BOCAUE DIRECTOR GLADYS F GINAFER JAVIER JAVIER JIMMY BAUTISTA JUDGE RICHARD PARADEZA MIGUEL MENDOZA OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with