_ngayon
^

Probinsiya

2 pisak sa killer bus

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Dalawa-katao ang namatay matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Daang Maharlika Highway sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Resbel Sarmiento, 28, production operator, ng Barangay San Rafael, Sto. Tomas, Batangas at Joffer Placido, 34, ng San Ildefonso, Bulacan.

Sa police report na isi­numite kay Batangas PNP director P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, patungong Calamba City sa Laguna ang DLTB Bus Company (TYZ-115) mula sa bayan ng Sto. Tomas nang mahagip nito ang mga biktima na nag­lalakad sa gilid ng highway bandang alas-2:40 ng mada­ling araw.

Hindi naman hinintuan ng bus ang dalawang nasaga­saan kung saan tuluy-tuloy na bumiyahe patungong Calamba City.

Gayon pa man, bandang alas-4:30 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang Sto. Tomas PNP mula sa Calamba City PNP upang ipaalam na may natagpuang bangkay ng lalaki na naka­sabit pa sa ilalim ng DLTB Bus matapos itong sumailalim sa inspeksyon sa kanilang terminal.

Tumakas naman ang driver na si Nicson Dol nang madiskubre ang bangkay ng kanyang nasagasaan pero sumuko rin kinabukasan sa mga pulis.

ACIRC ANG BARANGAY SAN RAFAEL BATANGAS BUS COMPANY CALAMBA CITY DAANG MAHARLIKA HIGHWAY JOFFER PLACIDO NICSON DOL STO TOMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with