^

4 pushers dedo sa shootout

Boy Cruz at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2015 - 10:00am

BULACAN, Philippines - Apat-katao na pinaniniwalaang notor­yus na drug pushers ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Minuyan, bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Joel Estaris, hepe ng Norzagaray PNP, kabilang sa napatay ay ang lider ng grupo na si Alyas Sati na nasa talaan ng drug watchlist ng pulisya.

Kinilala ang tatlong na­patay sa mga alyas na Lotlot, Dindo at Deck na mga sangkot sa talamak na pagtutulak ng droga.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, nagsagawa ng buy-bust operation ang lokal na Drug Enforcement Unit ng pulisya makaraang makatanggap ng ulat laban sa apat na drug pushers na nagpapakalat ng bawal na droga sa nasabing ba­rangay.

Gayunpaman, nakatunog ang mga suspek sa buy-bust operation kaya pumalag at pinutukan ang mga nakapa­ligid na PNP.

Sumiklab ang barilan sa pagitan ng mga suspek at pangkat ng PNP hanggang sa mapatay ang apat na pushers.

Narekober sa apat ang cal. 22 revolver, cal. 38 revolver, dalawang improvised explosive device, 12 gauge shotgun, granada, mga pinatuyong dahon ng marijuana, mga drug paraphernalia at hindi pa madeterminang halaga ng shabu.

ACIRC ALYAS SATI ANG APAT BARANGAY MINUYAN DRUG ENFORCEMENT UNIT FERDINAND DIVINA JOEL ESTARIS MGA NORZAGARAY SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with