2 paslit utas sa road mishap
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patay ang dalawang bata, isa rito ay gra-graduate sana ng elementarya habang kritikal ang lima pa matapos silang tumilapon sa sinasakyang tricycle na nabangga ng isang humahagibis na kotse  sa highway ng Brgy. Calayan, Gonzaga, Cagayan kamakalawa.

?Kinilala ni SPO4 Renato Flores ang mga namatay na sina Kae-kae Agno, 5 at Justin Clark Agno,12 na magtatapos sana sa elementarya at anak ng driver ng trike na si Roel Agno.?

Samantalang sugatan namang isinugod sa pagamutan ang  magpipinsang paslit na sina Maribel, Marvel, Virgilio, Natalie  at ang driver na si Roel.?

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang mga biktima sa kanilang tahanan sa Brgy. Batangan nang tumbukin sila mula sa likuran ng sumusunod na Toyota Vios na minamaneho ni Gilbert Campano, 48 anyos na driver ni Konsehal Hermogenes Baclig Jr. dakong alas-7:30 ng gabi.?

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima sa palayan habang agad naaresto ng mga nagrespondeng mga operatiba ng pulisya si Campano  na nabatid na nasa impluwensya ng alak. (Raymund Catindig)

 

AGNO BATANGAN BRGY GILBERT CAMPANO JUSTIN CLARK AGNO KONSEHAL HERMOGENES BACLIG JR. RAYMUND CATINDIG RENATO FLORES ROEL AGNO TOYOTA VIOS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with