Trader dedo sa ambush
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2015 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Napatay ang 56-anyos na trader matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki kamakalawa ng hapon sa Barangay Mabuhay, bayan ng San Pascual, Masbate. Namatay habang ginagamot sa Naga City Hospital ang biktimang si Jeffrey Querubin matapos mapuruhan sa dibdib. Batay sa ulat ng pulisya, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa pagbisita sa kanyang kaibigan nang harangin at ratratin dakong alas-4:30 ng hapon. Kahit may mga tama sa katawan ay nagawa pa ng biktima na paandarin ang kanyang motorsiklo hanggang sa kanilang bahay. Kaagad namang isinugod sa ospital ang biktima kung saan isinakay pa ito sa bangka na naglayag ng tatlong oras patungo sa nasabing ospital subalit namatay din. Ed Casulla

 

BARANGAY MABUHAY BATAY ED CASULLA JEFFREY QUERUBIN KAAGAD KAHIT MASBATE NAGA CITY HOSPITAL NAMATAY NAPATAY SAN PASCUAL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with