^

Probinsiya

Magsasaka inutas sa lamayan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Ikalawa nang pagla­lamayan sa kanilang lugar ang 53-anyos na magsasaka matapos itong  pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang natutulog sa gitna ng lamayan sa burol ng kanilang chairman sa Barangay Culalabo del Sur, bayan ng Burgos, Isabela kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Senior Insp. Roland Gatan, hepe ng Burgos PNP ang biktma na si Eddie Monforte ng nabanggit na bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na napuyat ang biktima sa paglalaro ng baraha sa lamay ni Chairman Francisco Esteban. Gayon pa man, nagpasya ang biktima na matulog sa duyan na nasa likuran ng katabing bahay subalit biglang lumapit at pinagbabaril ito ng di-kilalang lalaki. Pinaniniwalaang napagkamalan lamang ng gunman ang biktima na nakaalitan nito kaya isinagawa ang pamamaslang.

 

vuukle comment

BARANGAY CULALABO

BURGOS

CHAIRMAN FRANCISCO ESTEBAN

EDDIE MONFORTE

GAYON

IKALAWA

ISABELA

ROLAND GATAN

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with