_ngayon
^

Probinsiya

Minero inutas sa onsehan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa hatian sa pagmimina ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang 32-anyos na minero ng kanyang kabaro sa Barangay Ucab, bayan ng Itogon, Benguet kamakalawa. Tatlong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Chito Balyogan ng Hingyon, Ifugao habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ronald Hangdaan ng Maddela, Quirino. Lumitaw sa imbestigasyon na nagkainitan ang dalawa kaugnay sa hatian sa pagmimina kung saan nauwi sa pamamaril ng suspek sa kanyang kabaro. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit namatay din habang ginagamot samantalang tumakas naman ang suspek lulan ng motorsiklo.

BARANGAY UCAB BENGUET CHITO BALYOGAN HINGYON IFUGAO ITOGON LUMITAW MADDELA NAISUGOD RONALD HANGDAAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with