Sekyu tinodas
Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang security guard ang na­tagpuang tadtad ng tama ng bala sa katawan na nakabulagta sa isang liblib na lugar ng Sitio Gaway-gaway, Brgy. Lagta, Baleno, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang biktima na  si Arnel Manlapaz alyas Ayeng­, 35, may asawa, isang security guard at residente ng na­turang lugar.

Bandang alas-9:15 ng gabi ng matagpuan sa isang liblib na lugar ang nakabulagtang bangkay ng biktima na tadtad ng mga tama ng bala sa katawan.

Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistola na tinatayang siyang ginamit ng ’di-nakilalang suspek sa pamamaslang sa biktima.

Naghihinala naman ang pulisya na ang biktima ay tinambangan habang pauwi na sa kanilang tahanan at patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

 

ARNEL MANLAPAZ AYENG BALENO BANDANG BRGY ISANG KINILALA LAGTA SITIO GAWAY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with