^

Mister niratrat ng 3 gunmen

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2013 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines -- Mabigat na atraso ang pa­ngunahing hinala ng mga tagapagsiyasat ng pulisya kaugnay sa pagtumba ng tatlong gunmen sa isang 33-anyos na lalaki habang nakikipag-umpukan sa maraming tao sa Brgy. Valdez, bayan ng Marcos, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni Chief Insp. Dexter Corpuz ang biktma na si Ricky Dave Rebuelto ng nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na kasalukuyang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kabarangay ang biktima nang tawagin siya ng tatlong lalaking sakay ng isang motorsiklo at nang papalapit ay saka biglang pinagbabaril ng cal. 45.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo bago pa man nagsidatingan ang mga nagres­pondeng pulis na naghatid sa biktima sa ospital kung saan ito nalagutan ng hininga.

BRGY CHIEF INSP DEXTER CORPUZ ILOCOS NORTE KINILALA LUMALABAS MABIGAT MATAPOS RICKY DAVE REBUELTO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with