2 babae pinilahan ng 3 ‘manyakis’

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2013 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines  â€“ Napariwara ang kinabukasan ng dalawang babae kabilang ang 14-anyos na may kapansanan sa pag-iisip matapos na pilahan ng tatlong kalalakihan na sinasabing manyakis sa abandonadong bahay sa Barangay Centro Sur, bayan ng Camalaniugan, Cagayan simula pa noong Biyernes Santo.

Sa ulat na ipinalabas ni Cagayan PNP director P/Senior Supt. Gregorio Lim, ka-textmate ng dalaga ang pangunahing suspek na si Mark Kim Vergara kung saan nagkasundong makipagkita noong Semana Santa.

Sa halip na kumain sa restaurant ay niyaya ni Vergara ang dalawang biktima na makipag-inuman kasama ang dalawa pang suspek na sina Peter Vincent Galvez, 18; at Eduardo Castillo, 18.

Nang malango sa alak ang dalawang babae ay sinamantalang pilahan ng tatlong suspek ng ilang araw kung saan noong Martes lamang nakatakas ang mga biktima at naipagbigay-alam sa pulisya.

Dito na nadakip si Vergara sa bayan ng Aparri habang nasukol naman si Galvez sa bayan ng Camalaniugan.

Samantala, sumuko naman si Castillo sa pulisya para harapin ang akusasyon.

BARANGAY CENTRO SUR BIYERNES SANTO CAMALANIUGAN EDUARDO CASTILLO GREGORIO LIM MARK KIM VERGARA PETER VINCENT GALVEZ SEMANA SANTA SENIOR SUPT VERGARA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with