_ngayon
^

Trader pinabulagta ng CSU

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2013 - 12:00am

CAVITE, Philippines  â€“ Napaslang ang 50-anyos na negosyante matapos barilin ng kanyang kapitbahay na miyembro ng  Civilian Security Unit (CSU) kaugnay sa personal na alitan sa Barangay Buhay na Tubig, Imus City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Herlie Manalaysay, contractor at nakatira sa Block 8 Lot 5 Phase 5, Cita Italia Subd. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Aurelio Gonzales, 45, nakatira rin sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, nagkainitan ang dalawa kaugnay sa personal na alitan kung saan nauwi sa pamamaslang. Isinugod naman sa Medical Center Imus ang biktima subalit idineklarang patay.

 

AURELIO GONZALES BARANGAY BUHAY CAVITE CITA ITALIA SUBD CIVILIAN SECURITY UNIT HERLIE MANALAYSAY IMUS CITY ISINUGOD MEDICAL CENTER IMUS NAPASLANG NAPURUHAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with