Driver nalunod sa kalasingan
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2013 - 12:00am

CAVITE , Philippines — Dahil sa kalasingan sa alak ay nalunod sa ilog ang 60-anyos na driver matapos mahulog ang minamanehong pedicap sa Barangay Anabu 1E, Imus City, Cavite. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Eddie Agosto, na nakalutang sa ilog. Sa ulat ni PO3 Allan Reyes, bago naganap ang insidente, nakipag-inuman ang biktima sa kaibigang si Alfonso Celis sa Barangay Liwayway bago nagpasyang umuwi. Sinasabing nawalan ng kontrol ang biktima sa minamanehong pedicap kaya nagtuluy-tuloy sa ilog.

 

ALFONSO CELIS ALLAN REYES BANDANG BARANGAY ANABU BARANGAY LIWAYWAY CAVITE DAHIL EDDIE AGOSTO IMUS CITY SINASABING
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with