Holdaper utas sa shootout
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang habang isa namang pulis ang nasugatan sa naganap na shootout sa checkpoint sa  Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni P/Senior Supt. John Bulalacao na nakarating sa Camp Crame, inaalam pa ang pagkakakilanlan sa napatay na holdaper na nakunan din ng cal. 38 revolver. Samantala, ang sugatang pulis na si PO2 Gerry Baniasia ay nagtamo ng tama sa kanang hita at isinugod sa Our Lady of Pillar Hospital. Ayon kay Bulalacao, nasabat ng mga operatiba ng PNP ang apat na riding-in-tandem sa checkpoint sa Barangay Buhay na Tubig kung saan sumiklab ang putukan at tinamaan si Baniasia. Sa kasagsagan ng shootout ay tumimbuwang ang isa sa apat na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan. Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang itim na motorsiklo na gamit ng mga holdaper.

 

AYON BANIASIA BARANGAY BUHAY BULAGTA CAMP CRAME GERRY BANIASIA IMUS CITY JOHN BULALACAO OUR LADY OF PILLAR HOSPITAL SENIOR SUPT
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with