_ngayon
^

Rapist na ama arestado

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2012 - 12:00am

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 42-anyos na ama matapos halayin ang sariling anak na babae sa Ba­rangay Bagbaguin sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Ariston Sanchez matapos ireklamo ng 11-anyos na biktimang dumulog sa pulisya kasama ang kanyang ina. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Sydney Villaflor, naganap ang krimen matapos bumisita ang biktima sa bahay ng kanyang ama. Dahil sa pagkalango sa alak ay nagawang halayin ng suspek ang kanyang anak kaya naman naipaabot nito ang insidente sa kanyang ina. Kaagad naman dumulog sa himpilan ng pulisya ang mag-ina kaya inaresto ang suspek.

ARISTON SANCHEZ BAGBAGUIN BULACAN DAHIL KAAGAD KANYANG MEYCAUAYAN CITY PORMAL REHAS SYDNEY VILLAFLOR
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with