^

Metro

2 pang biktima ng ‘palit ulo’ sa Valenzuela lumutang

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 pang biktima ng �palit ulo� sa Valenzuela lumutang
Sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, tampok sa isinagawang press conference ngayong araw sa Valenzuela City Hall ang dalawa pang biktima ng "Palit Ulo Scam" sa isang pribadong ospital sa Lungsod Valenzuela.
Valenzuela City/Facebook page

MANILA, Philippines — Dalawa pang biktima ng ‘palit-ulo’ scam ang lumutang sa Valenzuela City Hall upang ilahad ang kanilang karanasan at sinapit na panggigipit ng ACE (Allied Care Experts) Medical Center sa Valenzuela.

Iprinisinta ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga biktimang sina ­Nerizza Zafra at Cheryluvic Ignacio, na kapwa residente ng naturang  Lungsod na kapwa dumanas ng panggigipit ng  ACE Medical Center.

Sa kuwento ni Zafra taong 2017 nang ma­nganak siya sa na­sabing ospital at umabot sa halos P500,000 ang kanyang hospital bill.

Ayon kay Zafra, nakapagbayad sila ng P200,000 at nakiusap na promisory ang ba­lanse na hindi inaprubahan ng ospital. Napilitan na lamang silang  i-discharge ng ACE Medical Center nang humingi sila ng tulong mula sa Public Attorneys Office.

Gayunman, hindi naman ipinarehistro ng ospital ang birth certificate ng kanyang anak dahil sa kanilang outstanding balance.

Na-confine naman dahil sa Covid-19 noong 2021 si Ignacio kung saan umabot sa P275,374.47 ng kanyang hospital bill sa loob lamang ng 11 araw.

Ani Ignacio, hindi lahat ng hospital bill ay nabayaran ng kanyang health card kaya naiwan ang balanse na P150,372.00. Tulad ni Zafra nagsumite si ­Ignacio ng promissory note na hindi tinanggap ng ospital.

Dahil dito, napilitan si Ignacio na manatili sa quarantine facility hanggang sa nabayaran ng kanyang pamilya ang bill.

Kasama sina Gatchalian at Councilor Atty. Bimbo dela Cruz ng LAMP Sinag, naka­paghain na rin ng reklamo sina Zafra at Ignacio laban sa ilang tauhan ng ospital sa korte.

Samantala, kinumpirma naman ni ­Gatchalian na naglabas na ng warrant of arrest si Valenzuela Metropolitan Trial Court Branch 109 Judge Marita Iris Laqui Genilo laban sa mga akusado na sina Maria Cristina Eugenio, Raymond Masaganda, at Samuel Delos Santos, pawang mga hospital staff ng ACE Medical Center sa kasong inihain ni Lovery Magtangob na Slight Illegal Detention.

Si Magtangob ang namatayan ng mister at hindi pinayagan ng ospital na makalabas at makita ang burol nito. Tumanggi rin ang ospital na mag isyu ng  death certificate  hanggang hindi nakukumpleto ang  hospital bill.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with